User feedback

Sagot :

Answer:

Sa panahon ngayon na mas naging katuwang ng bawat indibidwal ang teknolohiya dahil sa pandemyang naglilimita sa mobilidad ng tao, imperatibong balikan ang ginawang pagtalakay ni Sherry Turkle sa kanyang artikulong "Flight From Conversation" na lumabas sa popular na publikasyon sa Estados Unidos: ang The New York Times. Pagbubukas ito ng pinto para suriin natin ang mga sarili bilang primaryang konsumer ng teknolohiya. Dahil baka sa makapangyarihang impluwensya na taglay nito, hindi natin napapansin na hindi na tao ang gumagamit sa teknolohiya kundi ang teknilohiya na mismo ang gumagamit sa tao.